[ Featuring Donovan Chris Barredo ]
Tunay ngang may taas baba ang buhay
Hinihiling ng karamihan ay pagkapantay-pantay
Madadapa, kailangan bumangon muli
Maliligaw, hahanapin ang daan pabalik
Mangangapa ng kislap sa dilim
Makikiusap sa amang lumikha
Liwanag ng kalikasan ang matatagpuan
Libo-libong luha ang dumaan sa isip ng
Ng malaman kong ito'y tunay na pag-ibig
Daan daang sugat ang humilom ng
Malaman kong ako'y may lakas
Lubos na nagpapasalamat
Sa ama't anak na nasa itaas
Ibibigay ng buong puso ng
Walang inaasahang kapalit
Masaktan man ng ilang beses ay
Iibig pang muli
Nakita ang kislap sa dilim
Dahil sa amang lumikha
Liwanag ng kalikasan ay natagpuan
Ilang taong luha ang dumaan sa isip
Ngayo'y nalaman ito'y tunay na pag-ibig
Lahat lahat ng sugat ay humilom
Dahil sa taglay kong lakas
Lubos na nagpapasalamat
Sa ama't anak na nasa itaas
Libo libong luha ang dumaan sa isip
Ng malaman kong may tunay na pag-ibig
Daan daang sugat ang humilom
Dahil sa taglay kong lakas
Lubos na nagpapasalamat
Sa ama't anak na nasa itaas