Kung kailangan mo ng ka usap
Kung kailangan mo ng karamay
Kung kailangan mo ako
Darating darating
Pinulot sa mesa ang baba
Umapaw sa luha at nag baha
Hindi ma kontento may hindi na kontento
Kaya ngayon sayad ako sa lupa
Teka lang ngayon
Parang di na yata yung ikaw
Na matibay ang loob
At di basta bumibitaw
Nasan ang isipan bakit para bang naliligaw
Bakit ganyan ka mag isip
Tila mangang nahihilaw
Kasi maasim
Maasim ang kinakasadlakan
Mga balakit sa daan tila di na malagpasan
Ngayon wala na 'kong pera
Wala paring trabaho
Walang pinagbabago at pinapasan-pasan
Mga problema
Alam ko na kung minsan patong-patong
Na para bang bagyo na humampas sa barong-barong
Pero dapat ay bumangon pag ikaw ay nadapa
Pero bumangon man ako wala paring magagawa
Kung kailangan mo ng ka usap
Kung kailangan mo ng karamay
Kung kailangan mo ako
Darating darating
Alam mo
Di lang ikaw ang may mga dalangin
May pagsubok man sa'yo
Meron din para sa akin
Sa amin
Sa kanila at kung kani-kanino
Walang hindi namomroblema
Kahit na sino
Madali lang yan sabihin
Mahirap na gawin
May bagay na hindi makuha kahit pilit chagain
Parang babaeng niligawan na agawin ang pansin
Pero sa bandang huli
Baliwala parin
Anong klasing dahilan yan
Parang baloktot
Parang sinabi mong habang buhay ka nang malungkot
Kung mangangarap
Akyat ka lang hanggang sa toktok
Para bumaon ang pako
Dapat may pumuk-pok
Ginagawa naman lahat
Pero bahit sumasablay
Sa agos ng buhay
Na pilit sumasabay
Wag mawalan ng pag-asa
Marami ang gumagabay
Dapat lalong tumatapang
Habang ika'y umaaray
Kung kailangan mo ng ka usap
Kung kailangan mo ng karamay
Kung kailangan mo ako
Darating Darating
Kung kailangan mo ng ka usap
Kung kailangan mo ng karamay
Kung kailangan mo ako
Darating Darating
At kung di ka kumbinsido
Eto makinig ka
Dapat tibayin ang loob
Kapag nakikidigma
Marami ang pag subok
Hahamuinin ang tigas
Dapat mag paka tatag
Para hanguin ang bigas
Sa dating palay
Mula sa palad ng mag sasaka
Bawat butil sa bukid Hindi dapat mag pabaya
Ang ugali ng pinoy
Kahit nakapagpapababa
Nakukuha pang ngumiti
Kung minsan nagpapatawa
Sana makuha ang buto
Nang hindi yan ang wakas
Gamitin mo ang iyong puso
At natitirang lakas
Laging may hamon bawat bukas
Lag-lag kahit malakas
Tandaan mo lang
Palagi na may langit sa taas
Wag ka nang mag alangan
Manatiling palaban
Iisa lang ang mundo na ating ginagalawan
Pag asang nakalaan
Nasa iyo ang paraan
Maglakbay ng deretcho
Kahit may putik sa daan