Asan na ba 'ko? Ang daming tao
Mukhang malayo, pa yung ibayo
Yung pinangako, biglang napako
Mga nakasama ko lang yung may balato
Ang init-init, tapos siksikan
Kung pwede lang yumaman ng mabilisan
Ang kalungkutan tinalikuran
Pangarap ko lang aking pag-iinitan
Walang kalaban kundi ang sarili
Kinukunsinti kaya nawiwili
Kilala mo 'ko, hindi 'to mapili
Pag di mo alam storya, pwede kang manahimik
Ang daming hilig
Isang pag-ibig
Biglang tumitig doon sa akin
"Penge pagkain" ang sabi sa'kin
Pareho tayong gutom, lumayo ka sa'kin
Pasensya na, hindi ako nagdadamot
Nadala lang ako ng aking emosyon
Init ng ulo, di na 'to nagagamot
Hirap ng buhay, parang wala nang solusyon
Alam mo ba kung ano, kung saan na 'to papunta?
Alam mo ba kung ano, kung saan na 'to papunta?