Sandali lang
Umiitim nabubulok ang mga presa
Sa isang saglit lang
Sumasarap ang malamig na serbesa
Gising na ang demonyo
Parating na ang delubyo
Kalimutan ang prinsipyo
Mag almusal na muna tayo
Isandal ang mga labi sa akin
Dahan dahang ibibitaw ang kapit
Sa kadiliman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman
Teka muna pwede ba tayong magpahinga
Nasusunog ang mantikilya
At umaapoy ang 'yong mundo
Lumiliyab na ang 'yong puso
San ba papunta ito
Ito ba ang iyong gusto
Ang daming sakripisyo
Sindihan ang sigarilyo
Hawak mo ang 'yong rosaryo
Bukas ay mukhang malayo
Isandal ang mga labi sa akin
Dahan dahang ibibitaw ang kapit
Sa kadiliman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman
Paraluman ano nga ba ang 'yong kailangan
Paraluman isigaw mo ang 'yong kahilingan
Isandal ang mga labi sa akin
Dahan dahang ibibitaw ang kapit
Sa kadiliman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman
Paraluman
Harapin mo na ang kawalang laman