Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga tala'ng yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait
Pag-asa'y 'di masilip
Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan
Nang hindi panandalian
Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghinintay na makasama ka
Sa 'king buhay
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw
Ko kay Bathala
Ang kahilingang
Mahanap kita
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw
Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingian na naman
Pilit na tinatakpan
Pusong nananawagan
Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat
Sumagi sa 'king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim
Sa sarili'y di maamin
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghinintay na makasama ka
Sa 'king buhay
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw
Ko kay Bathala
Ang kahilingang
Mahanap kita
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw
Balik Takip-silim, sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim
Puso'y nagising, nag-iisang muli
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghinintay na makasama ka
Sa 'king buhay
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw
Ko kay Bathala
Ang kahilingang
Mahanap kita
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw
Balik Takip-silim, sasapit na'ng gabi
Ng puso'y ikaw
Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli
Ng puso'y ikaw
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso ay nagising
Nag-iisang muli