[ Featuring LOONIE ]
Titig laging pailalim
Aking galit nakatanim
Sa'king awit nangangawit kakakapit sa patalim
Mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim
May sasapit na malagim
Mga hapit mga sakim
May mga bagay na hindi mo masabi
Hindi mo mawari kung ba't nagkaganyan
Dahil ang oras ay hindi mo pagaari
Lahat ng bagay ay may hanggan kaya
Kapit kapit ka lang
Konting tiis nalang
Sisikat ang araw may dalang liwanag
Lagi mong tatandaan
Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman
Panahon ay sadyang mapaglaro parati
Walang pasabi ika'y nililinlang
Minsan akala mo ikaw ay nakatali
Ika'y binabali ngunit ika'y pinatatatag lang kaya
Kapit kapit ka lang
Konting tiis nalang
Sisikat ang araw may dalang liwanag
Lagi mong tatandaan
Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman
Kung nabasa ka sa ulan ba't sumisilong ka pa
Aba lusungin mo na yang baha maligo ka na
Nasaktan ka na rin lang nalasap ang luhang mapait
Siguraduhin mong ika'y makukuhang kapalit
Pantay pantay tayong lahat mayaman man maging dukha
Ang mahalaga marami kang butong naipunla
Kung gusto mo ng umayaw pakinggan mo aking tula
At tandaan mo lang palagi kung ba't ka nagsimula
Pagsikapang itaguyod ang sariling pundasyon
Tigas ng ulo mo nung bata ka gamitin mo ngayon
Bukas ko nalang susukuan ang buhay kong kay lupit
Tapos kinabukasan paggising bukas nalang ulit
Ang aking pusong umaawit punong puno ng galit
Laging ganon daming tanong puro nalang bakit
Malapit ng maubos ang lubid ko subalit
Maaari ko pa ring buhulin ang dulo at kumapit
Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Di ba mundo mo'y umiikot (titig laging pailalim)
Kapit ka lang (saking galit nakatanim sa'king awit)
Konting tiis nalang (nangangawit kakakapit sa patalim)
Sisikat ang araw may dalang liwanag (mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim)
Lagi mong tatandaan (may sasapit na malagim mga hapit mga sakim)
Kapit ka lang (titig laging pailalim aking galit nakatanim)
Konting tiis nalang ( sa'king awit nangangawit kakakapit sa patalim)
Hindi ba mundo mo'y umiikot (mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim may sasapit na malagim)
Lang naman (mga hapit mga sakim)
Kapit ka lang (titig laging pailalim aking galit nakatanim)
Konting tiis nalang ( sa'king awit nangangawit kakakapit sa patalim)
Hindi ba mundo mo'y umiikot (mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim may sasapit na malagim)
Lang naman (mga hapit mga sakim)
Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot