Ang sabi ni tatay
Matulog nang maaga
Melvin bukas may pasok ka pa
Paalala naman ni nanay
Tapusin muna ang gawaing bahay
Nais ko sanang sumagot ng
Ako pa
Nagpigil ako syempre
Kaya ang aking sinabi
Tapos na po inay ako pa
Di ko rin napigil napangiti si nanay
Natawa si ate habang binibigay ko ang tsaa ni itay
Tilaok ng manok kung sa'n sa' n dako nanggagaling
Huni ng mga ibon nakikipagpaligsahan din
Ngunit ka eskwela kong dumaraan
Mas maingay pa rin
Ang aking paaralan ay kapitbahay ko lang
Gising na Melvin
Bangon na gising na Melvin
May pasok ka pa
Sina Sherwin at Wilfredo sinusundo ka na
Ang baon mo'y nasa la mesa na
At huwag kalimutan kumain ka muna
Nagmamadali si Melvin
Sumugod na ng eskwela
Tinapay na baon nalimutan na
Ligaya sa daan
Walang humpay na usapan
Para bang di na magkikita itong tatlong magkakaibigan
Pambansang awitin heto na sila Melvin
Buong pusong tatapusin ang huli nilang aralin
Gising na Melvin
Bangon na gising na Melvin
May pasok ka pa
Sina Sherwin at Wilfredo sinusundo ka na
Ang baon mo'y nasa la mesa na
At huwag kalimutan kumain ka muna
Sige na Melvin
Bangon na gising na Melvin
May pasok ka pa
Sina Sherwin at Wilfredo sinusundo ka na
Ang baon mo'y nasa la mesa na
At huwag kalimutan kumain ka muna