Damdamin kong nakatago pa rin, magbabago kaya bukas
Salat sa init ang mundo kong hilo, ikaw lamang ang lunas
May tapang bang ihayag ang gusto kahit balewala muna
Makikinig ba sa tinig ng puso o balewala, mababalewala
Ikaw palagi, laman ng isip, ngunit di mo alam
Walang masisi, kundi sarili, pagkat di mo alam
Patutunayan ang damdaming ito mahirapan man bukas
Masugatan, masaktan, mabigo, kakayanin ang lahat
May tapang bang ihayag ang gusto kahit balewala muna
Pakinggan man ang pag-aming ito o balewala, mababalewala
Ikaw palagi, laman ng isip, ngunit di mo alam
Walang masisi, kundi sarili, pagkat di mo alam
Ikaw palagi ang hinahanap, ngunit di mo alam
Baka magsisi, kung hahayaan, na di mo alam
Di mo, di mo alam
Ikaw palagi, laman ng isip, ngunit di mo alam
Walang masisi, kundi sarili, pagkat di mo alam
Ikaw palagi ang siyang dahilan o bakit ikaw sinta
Ikaw palagi ang siyang dahilan o bakit ikaw ba sinta