Tangi kong dasal
Hiling sa maykapal
Kahit na mahirap
Maangkin ang ngiti mong taglay
At kung nagkamali
Tiwala mo'y nabali
Puso ko'y mananatiling sawi
Pagpatawad lang babawi
Bukas at tanaw
Humarang man ang araw
Nakaraan'y balikan
Ikaw pa rin ang aking mahal
Lahat ay gagawin
Hamunin man ang dilim
Hanggang huling lambing
Ikaw pa rin ang hahanapin
Sa bawat pagluha
Na aking tiniis
Hangad ko lang ay makita
Liwanag sa iyong mga mata
At sa bawat pintig
Ng puso kong sabik
Asahan mong nandito
Naghihintay sa iyong pagbalik
At kung nagkamali
Tiwala mo'y nabali
Puso ko'y mananatiling sawi
Pagpatawad lang babawi
Hanggang sa dulo ng buhay
Sa 'yo lang aasa
Pangako ko'y walang iwanan
Ikaw ang aking pag-asa