Sabi na nga ako'y tinamaan nang di ko nalalaman
Unti-unting nabubuhayan ang pusong walang alam
Kailan kaya niya malalaman ang aking nararamdaman
Di na yata kayang itago pangalan niya'y di pa alam
Ngunit paano sasabihin (aaminin)
Sa tulad mong di kilala (di naman makilala)
Takot ang nasa isip (sa aking panaginip)
Na ako'y di mapagbigyan (dun lang mapagbibigyan)
Minsan na muling magkita nais nang magpakilala
Ngunit naunahan ng kaba hanggang sa ika'y mawala na
Ngunit paano sasabihin (aaminin)
Sa tulad mong di kilala (di naman makilala)
Takot ang nasa isip (panaginip)
Na ako'y di mapagbigyan (dun lang mapagbibigyan)
Anong kailangan gawin
Ano ang dapat gawin
Ngunit paano sasabihin sa tulad mong di kilala
Takot ang nasa isip na ako'y di mapagbigyan
Ngunit paano sasabihin (sasabihin)
Sa tulad mong di kilala (di kilala)
Takot ang nasa isip na ako'y di mapagbigyan
Ano ang dapat gawin
Ano ang kailangang gawin
Lararara (lararara)
La lararara (lararara)
La lararara
La lararara