Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sayo
Nagawa
Natangan ng hangin nilamon na ng lupa
Ang ating pagmamahalan
Di ko akalain na magkakaroon ng lamat
Matagal nating pagsasama
Di ko sinasadya
Maakit sa liwanag na balot ng hiwaga
Dahil naging marupok parang kahoy ang puso kong ito
Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana
Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sayo
Kasalanan kasalanan
Agad na pinagisipan
Kung tama ba ang landas na aking tinatahak
Di ko inakalang naliligaw na pala ako ng tahanan
Imbis na lumalapit napapalayo sayo ang aking sarili
Dahil naging marupok na parang kahoy ang puso kong ito
Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana
Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sayo
Kasalanan
Bakit nangyari sa atin 'to
Nawala ang lahat
Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana
Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sayo (di na kita mababalikan)
Kasalanan kasalanan
Kasalanan