Isa dalawa tatlo, biglang bumaliktad ang mundo
Dating ayaw bakit ngayon ay gumugusto
Kala ko disiplinado, tinanggal ang bato
Sa pagkakataga, dahil sa mga tukso
Hindi binalak na tikman, para lang masabayan
Ang maling dahilan, dulot ng kasiyahang
Panandalian lang, panandalian lang
Pag sumobra saka mo maiintindihan
Di masama, ang umayaw
Tatablahin ka sayong pahapyaw
Naliligaw, sino ba ang salarin kundi ikaw
Nababaliw pag bitin, nagdidilim and budhi sakin paniningin
Ganun pa din, ganun padin...
Nasan ang tama, Nasan ang tama
Nasan ang tamang sarap?
Napapadalas ko ng hinahanap, tama na mas mabigat
Nagdidilim ang paningin, dahil daming suliranin
Ngunit ang kalaban ay ako parin
Di ko na makita sarili sa salamin
Bakit saking ulo dalawa ang patalim
Hilig manlamang kahit alanganin, sa mundong malagim
Dami ng sakim, di napapansin naging isa narin
Maling reseta ang nasa mesa, ginawang tubig ang serbesa
Di mapakali sa kama, inabot na ng umaga uh
Sa tamis ng yong, bulong, nalulong, gumulong sa patibong nakulong
Buhay sana ay pasulong, kaso tumandang paurong
Oh tukso, ako ay layuan mo (layuan mo)
Oh kaibigan ko, ako sana'y gabayan mo (gabayan mo)
Nasan ang tama, Nasan ang tama
Nasan ang tamang sarap?
Napapadalas ko ng hinahanap, tama na mas mabigat
Nakapaligid sila, nakamata, bat nila ko kilala
Sino gustong mauna, pano ko ba, maiiwasan kung ako mismo sakuna
Lagi kang merong pagpipilian, puso at ang isipan
Hanggang di na magkaintidihan
Sa salamin makipagsisihan
Daming tukso, pano matatakbuhan
Bakit ako, ang hinahabol nito
Bakit ako, ang hinahabol nito
Di mo nahahalata
Masarap ang masama
Palagi na kong lumilipad sana yung tama di na bumaba
Di mo nahahalata?
Masarap ang masama
Palagi na kong lumilipad sana yung tama di na bumaba
Ngayon mo mahahalata
Unti unting nawawala
Kung kailan huli na lahat saka ka lang naman na madadala