Mula ng kita'y makilala
Walang ibang naaalala
Kundi ang tamis ng iyong ngiti
Parang nagsasabing mahal mo ako
Ibang-iba ka aking giliw
Sa lahat ng nakilala
Walang ibang naghahatid ng sigla tulad mo sinta
Wala kang katulad wala ng hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis wala ng gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing
Kahit kanino pa labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad at mahal kita
Iisa lamang ang nais
Ang makapiling kang lagi
At pagmasdan ang iyong nangungusap na mga mata
O kay ganda
Lagi akong umaasang
Habang buhay tayong magsasama
'Wag kang mabahalsa sa piling ko ay liligaya ka
Wala kang katulad wala ng hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis wala ng gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing
Kahit kanino pa labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad at mahal kita
Minsan pa lamang sa aking buhay
Nakadama ng ganito oh
Wala kang katulad wala ng hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis wala ng gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing
Kahit kanino pa labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Wala kang katulad
At mahal kita
At mahal kita