Paggising sa umaga
Mukha mong makikita
Di' na mapipigilan
Araw ko ay sira na
Nagpipilit mapansin
Mukha namang matsing
Palaging tuma-timing
Walang hanggang kukulitin
Oo na lang
Kailan ka ba makahahalata
Tinataguan na nga
Nakikiusap na lang na tigilan nang
Ipilit sa akin ang 'yong pagmumukha
Tingnan ang salamin
At nang iyong makita
Maghapong nag-aabang
Naguubos oras lang kapag ika'y kasama
Pati ba ang uwian iyong inaabangan
Ngumingiti, nagtatanong, humihingi ng panahon
Oo na lang
Kailan ka ba makahahalata
Tinataguan na nga
Nakikiusap na lang na tigilan nang
Ipilit sa akin ang 'yong pagmumukha
Tingnan ang salamin
At nang malaman mo na
Oo na lang
Kailan ka ba makahahalata
Tinataguan na nga
Nakikiusap na lang na tigilan nang
Ipilit sa akin ang 'yong pagmumukha
Tingnan ang salamin
At nang iyong makita