Lumapit kasi para naman ito ay malaman mo
Kung anong dating ng isang lalake na katulad ko oh
Hindi mo kailangang magpakipot lika na dito sa tabi ko
Ikaw lang ang yayakapin ko
Pangako dahil yan ay aking gagawin
Para lang malaman mo
Na ikaw lang ang aking mamahalin
Ibibigay pati ang pusong matagal ng nananabik
Na tulad mo ring nasasasabik
Sa mga yakap ko`t mga halik
Alam ko na ako ay gusto mo rin
At alam mo ring ikaw ay gusto ko rin
Bakit kailangan pa na patagalin
Kung ako rin naman ay sasagutin
In the first place nang ika`y ligawan
Nangako sa sarili na hindi na bibitawan
Kahit anong mangyari dina susukuan
Tamis mong oo yan ang aking kahilingan
Handa kong ibigay lahat ng gusto mo
Handa kang puntahan pag ako`y namimiss mo
Pagkat napansin ko na ika`y may pagtingin
Kaya di mapakali na ako`y sagutin mo
Wala ng teka teka handa kitang saluhin
Ika`y hinding hindi na sa puso`y aalisin
Kaya wag ng tanungin ang aking puso at isipan
Baka sagutin ako ng di napag isipan
Diko gustong maangkin ang lambing na panandalian
Kaya ngayon pa lamang nais na iyong malaman
Ang makasama ka ay malabong pagsisihan
Lahat aking gagawin para sayo pag-iigihan
Alam ko na ako ay gusto mo rin
At alam mo ring ikaw ay gusto ko rin
Bakit kailangan pa na patagalin
Kung ako rin naman ay sasagutin
Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa iyo
Kung saking mga tingin ay halata mo na ito
Alam ko na batid mo ang nadarama ko
Pilitin ko man na iiwas nadadarang sayo
Kase kakaiba ang tulad mong babae sinta
Imahe mo saaking diwa laging nakapinta
Kaya ako na ay sabik na iyong sagutin
Pangako na lahat para sayo ay gagawin
Wag mo nang patagalin kung ako ay gusto
Ako ay nahumaling na sayo ng husto
Oh wooh dyos ko bat kase panay pakipot
Ano bang pumipigil eh hindi kana batibot
Pano mo matatanaw ang mundong dipa nalibot
Kung sariling pagkatao limitado lang ang ikot
Wag kang matakot na sumubok at magkamali
Kase minsanan lang sa buhay ang ganitong sandali
Alam ko na ako ay gusto mo rin
At alam mo ring ikaw ay gusto ko rin
Bakit kailangan pa na patagalin
Kung ako rin naman ay sasagutin
Bakit ba kailangan pang patagalin
Kung ako rin naman ay sasagutin
Alam ko rin namang ako`y gusto mo rin
Matagal ko na sayong napapansin
Alam ko ring ikaw ay nag-aalinlangan
Iniisip na ako`y naglilibang lang
Napakalaking panghihinayang kapag ikaw ay aking hinayaang
Mawala ng ganon lang kadali
Pero kung ako ay magkakamali
Gusto ko na sayo lang hanggang sa huli
Ang iyong mga ngiti ang nagbibigay ligaya uh
Alam ko na sayo ay di madali
Kaya ako ay di nagmamadali
Kasi para sayo mga pighati ay isa-santabi`t
Dimo na muling madadama
Alam ko na ako ay gusto mo rin
At alam mo ring ikaw ay gusto ko rin
Bakit kailangan pa na patagalin
Kung ako rin naman ay sasagutin