Alam mo ba nung ikaw ay makilala
Hindi ko rin agad agad inakala
Ikaw pala ang siyang magpapadama
Na ako ay umibig ngang muli
Alam mo ba nung una kitang makita
Isa nanamang magandang alaala
Ikaw pala ang siyang magpapasaya
At ako ay umibig ngang muli
Kung ito man ang pagkakataon
Umabot sana tayo ng taon
Nakakapanghinayang kase
Kung magiging sandali lang ang ating saya
Kung ito man ang pagkakataon
Umabot sana tayo ng taon
Nakakapanghinayang kase
Kung magiging sandali lang ang ating saya
Durog na itong pusong umasa
Madalas ay wala nakong gana
Nakipaglaro na kay tadhana
Kahit na alam kong ako ang kawawa
Ang mata ay malabo na ata
Magtino para sakin saka na
Ngunit ng ikaw ay makilala
Ako ay napuno ng ligaya
Ang mga oras na kasama kay tila tintang nakaburda sa aking dibdib
Di mawawala ang mga sandali saking isipan yan ang palagi na aking bitbit
Mga alaala na masasaya sayo ko lang ito agad nadama
Marahil nga ikaw na ata talaga ang saakin ay pinagkaloob niya
Kaya diko na alam kung pano ba kung
Biglang mawala ka`t plano ay matapon
Ayoko ng bumalik pa sa kahapon yayakapin kita`t tatanggapin lahat ng mga hamon
Kahit ano aking gagawin
Mapangiti ko lang babae saking paningin
Lahat para sayo kahit sino babanggain
Hanggang umabot sa halos aking huling daing
Basta dito ka lang lagi saking tabi
Pagsaluhan natin ang hating gabi
Ang malamig painit wag muna nating isipin
Tayo ay maging alipin sa pag iibigan natin
Kung ito man ang pagkakataon
Umabot sana tayo ng taon
Nakakapanghinayang kase
Kung magiging sandali lang ang ating saya
Kung ito man ang pagkakataon
Umabot sana tayo ng taon
Nakakapanghinayang kase
Kung magiging sandali lang ang ating saya