Heto na naman ako
Paikot-ikot lang ba tayo
Tulad ng dati nagmumuni-muni
Hindi malaman ang dahilan
Damdami'y natitimang
Hindi masabi ang takbo ng isip ko
Sa'yo lutang ang isip ko
Lito kung bakit nagkaganito
At pano napasok ang puso ko
Pupwede bang
Tigilan mo na yan
Nahihibang ka lang
Walang pupuntahan
Nahihirapan lang
Sabi ko sa'yo
Wag na wag mong imulat ang mga mata mo
Sabi ko sa'yo
Ipikit ang mga mata mo
Baka mahulog ang puso mo
Pigilan ang pagdaramdam
Wala namang ibang dahilan
Wala na rin atang paraan na ika'y mawaglit sa'king isipan
Parang mantsang tumatak,bumitak
Wag lang sanang mabiyak ang puso ko
Pakinggan mo binibigkas ang ngalan mo
Tigilan mo na yan
Nahihibang ka lang
Walang pupuntahan
Nahihirapan lang
Tigilan mo na yan
Masasaktan ka lang
Walang pupuntahan
Mabubuang ka lang
Tigilan mo na yan