Handa na ako na simulan
Ang bagong yugto ng buhay ko
Ihahayag, nadarama sa'yo
Nag-umpisa sa awit at ngiti
Habang minamasdan mga mata mo't labi
'Di matago ang sayang hinahaluan ng kaba
Hindi ko mabanggit, hindi ko masambit
Mga katagang, gusto kita
Anong dapat kong gawin
Kahit mundo'y baliktarin, sinisinta'y ikaw pa rin
Maghihintay ako, kahit matapos ang mundo
Kung pwede na akong ibigay ang pag-ibig na
'Di mo maibig no'ng wala pa tayo sa tamang panahon
Kung pwede na makakasiguro ka'ng
Sa'yo pa rin ang aking pagsinta
Halika na't ika'y tumaya at
Sabihing, gusto na rin kita
Maghihintay ako, kahit matapos ang mundo
Kung pwede na akong ibigay ang pag-ibig na
'Di mo maibig no'ng wala pa tayo sa tamang panahon
Kahit bente syeteng beses pa akong mabuhay
Gano'ng karaming beses din kitang paulit-ulit na pipiliin; na mamahalin