Sa umpisa masaya ang ating pagsasama
May konting alat drama parang pelikula
Ngunit nagbago ang lahat paghiga sa aking kama
Nag-iisip hanggang sumapit ang umaga
At sasabihin sa sarili na ako ay nagsisisi
Pag-gising ko wala ka na sa aking tabi
Sa sandaling pag-idlip at ikaw ay sinilip
Ipipilit sa sarili kong nandiyan ka pa
Ngunit wala na tayong dalawa
Pagkat sanay na akong mag-isa
At kung noon pa lang sana nawala na
Di na sana umasa
Nagtataka nangangamba nawawalan na ng pag-asa
Pinipilit ibalik ang dating alaala
Ngunit nagbago ang lahat paghinga ko ay wala na
Nag-iisip tila lahat na lang nawawala na
At sasabihin sa sarili na ako ay nagsisisi
Pag-gising ko wala ka na sa aking tabi
Sa sandaling pag-idlip at ikaw ay sinilip
Ipipilit sa sarili ko nandiyan ka pa
Ngunit wala na tayong dalawa
Pagkat sanay na akong mag-isa
At kung noon pa lang sana nawala na
Di na sana umasa
Titiisin lahat ng hirap at hapdi
Baka sakaling ako ay makabawi bawi
At sasabihin sa sarili na ako ay nagsisisi
Pag-gising ko wala ka na sa aking tabi
Sa sandaling pag-idlip at ikaw ay sumilip
Ipipilit sa sarili ko nandiyan ka pa
Ngunit wala na tayong dalawa
Pagkat sanay na akong mag-isa
At kung noon pa lang sana nawala na
Di na sana umasa