Patawad sa aking mga nagawa
Kung ika'y nasaktan ko wala akong magagawa
Malawak ang yong pang unawa tyak maiintindihan
Ang aking pag alis ay para satin din naman
Di naman tayo pwedeng mabuhay ng puro lng pag-ibig
Kailangang magtrabaho ng mag bago ang paligid
Ayokong maranasan ang nangyari sa iba
Nung sila'y nagutom na sa hiwalayan napunta
Matitiis mo bang magutom ang ating anak
Matitiis mo bang makita siyang umiiyak
Matitiis mo bang tumirik ang kanyang mata
Kung pambili ng gamot wala kang pera sa bulsa
Kung hindi ako nagpaalam kasalanan ko yon
Itutuwid ko yon pag dating ng panahon
Pero pagdating noon sana'y andyan ka pa
Sa king pagbalik tayo pa ba
Tayo pa kaya sa aking
Muling pagbabalik sayong piling
May puwang pa kaya sa puso mo
Ang pag-ibig ko
Ang iyong tanong hindi madali Ilang taon ka na bang wala
Kung kailan kita huling nakita eh hindi ko na nga tanda
Bakit di ka manlang tumawag ba't di ka manlang sumulat
Masdan mo mga mata ko magang maga kaiiyak
Bitak-bitak ang mga paa nang hinahanap ka sinta
Mukha koy d maipinta mahal san ka ba nagpunta
Basta bigla ka namanlang nawala nang di malaman ng madla
Sila'y mangha pati ba naman ako pati magulang mo ay nabigla
Kumuha ng kandila at nagtirik nag dasal at nanahimik
Kala nila patay ka na at hindi ka na babalik
Kung anu-anong mga gimik ang ginamit ni madam Ross
Bolang kristal barahang sakla pati pera kong inipon ay ubos
Ako'y namaos nanawagan sa mga estasyon
Radio station television at MRT station
Ngayon ang question tayo pa kaya hanggang wakas
Ubos na ang lakas nang maglaho kang walang bakas
Tayo pa kaya sa aking
Muling pagbabalik sayong piling
May puwang pa kaya sa puso mo
Ang pag-ibig ko
Bakit kaylangang malaman mo pa
Dapat lang na malaman ko pa
Bakit kaylangang malaman mo pa
Para malaman kung ano talaga nung ako'yy nawala
May mga balita nagtiwala akong di mo magagawa
Hindi naniniwala sa mga salita
Ang isa sa inyo ay dakilang bakla
Pare pano ba to kausapin mo to
Wag kang sumabat problema ko to
Bakit ayaw mo ba na akoy sumabat
Pagkat alam ko na ikaw ay kasabwat
Sigurado ka ba sa sinasabi mo
Ikaw ang nawala ikaw ang nagbago
Anung alam mo sa mga naganap
Nasaan ka nung akoy taghirap
Bakit di matanggap na ikaw ang mali
Payag na ako kung tayo uli
Kung kayo na uli paano ako
Kundi sa kanya kanino ako
Wag kang magulo manahimik ka jan
Naiipit ako at naguguluhan
Pag ayaw ng tao ay may dahilan
Kung gugustuhin ay may paraan
Kung ganon totoo ang naririnig ko
Na kayong dalawa mga hayop kayo
Patawarin nyo ako sa mga nagawa
Di ko gusto na maging bakla
Lahat naman tayo ay merong mali
Alis muna ako kahit na sandali
Hayaan nyo munang ako ay magisip
Aming hihintayin ang iyong pagbalik
Tayo pa kaya sa aking
Muling pagbabalik sayong piling
May puwang pa kaya sa puso mo
Ang pag-ibig ko
At lumipas man ang panahon marami mang nagbago
Nasaktan kita pero sana akoy patawarin mo
Tayo pa kaya sa aking
Muling pagbabalik sayong piling
May puwang pa kaya sa puso mo
Ang pag-ibig ko